Sining ng Komunikasyon

Mga dahilan kung bakit sa Tagalog ibinatay ang wikang-pambansa

Hunyo 21, 2009 · Mga Puna

  1. Ito ay wikang ginagamit sa punong-lungsod ng Pilipinas, ang Maynila at siyang lingua franca ng buong bansa.
  2. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Ang Tagalog ay binubuo ng 30,000 salitang ugat at 700 na mga  panlapi.
  3. May pinakamaunlad na panitikan ito sa lahat ng katutubong wika sa Pilipinas.
  4. Ito ay wikang ginagamit ng nakakarami.
  5. Madaling pag-aralan, matutuhan at bigkasin ito.
  6. Ito ay kahalintulad ng maraming wikang local o diyalekto  tulad ng Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon Biko atbp.

Ikaw, sang ayon kaba na Tagalog ang wikang pambansa ng Pilipinas? Mag.iwan ng inyong puna.

→ 6 Mga PunaMga Kategoriya: Batayang Kaalaman sa Komunikasyon

Verbal at Di-Verbal na Komunikasyon

Hunyo 20, 2009 · Mga Puna

Nahahati sa dalawang bahagi ang Komunikasyon: ang verbal at di-verbal. Alam na ng marami and verbal sapagkat it ay ginagamit sa pagsasalita gamit ang wika. Samantalang ang di-verbal na komunikasyon ay ang mga galaw ng katawan, ng mata, at ng kamay (pagturo, pagkuway, pagtapik) at ekspresyon ng mukha (pagkisap ng mata, pangingiwi ng labi at pagsisimangot).

→ 8 Mga PunaMga Kategoriya: Batayang Kaalaman sa Komunikasyon

Proseso ng Komunikasyon

Hunyo 18, 2009 · Mga Puna

 

Makapangyarihan ang komunikasyon sapagkat ito ay nakakapagbago ng ideya o kaisipan ng isang tao, kahit na ang kasaysayan ng isang bansa. Baty sa katuturang ibinigay ng Webster,
ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagapapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipagugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
Sa bagong American College Dictionary nina Barnhart ay nagsasaad ng ganito:
ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideyaa, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat or pagsenyas.
Sa kabuuan maliwanag na isang bagay na kailangan nating ang paggamit ng wika at wastong paggamit ng mga salita.
Pinakamagaling na uri ng komunikasyon ang makapagpalitan ng ideya o kuro-kuro sa dalawang nag-uusap sa alinmang paksa. Sa prosesong ito, maaring mapaloob ang mga sumusunod.
S – ang sender o tagapaghatid
M – mensahe o message
C – channel o daanan ng pakikipagtalastasan
R – receiver o tagatanggap ng mensahe
E – epekto o Bisa

Makapangyarihan ang komunikasyon sapagkat ito ay nakakapagbago ng ideya o kaisipan ng isang tao, kahit na ang kasaysayan ng isang bansa. Batay sa katuturang ibinigay ng Webster,

ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagapapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipagugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.

Sa bagong American College Dictionary nina Barnhart ay nagsasaad ng ganito:

ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideyaa, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat or pagsenyas.

Sa kabuuan maliwanag na isang bagay na kailangan nating ang paggamit ng wika at wastong paggamit ng mga salita.

Pinakamagaling na uri ng komunikasyon ang makapagpalitan ng ideya o kuro-kuro sa dalawang nag-uusap sa alinmang paksa. Sa prosesong ito, maaring mapaloob ang mga sumusunod.

S – ang sender o tagapaghatid

M - mensahe o message

C - channel o daanan ng pakikipagtalastasan

R - receiver o tagatanggap ng mensahe

E - epekto o Bisa

→ 19 Mga PunaMga Kategoriya: Batayang Kaalaman sa Komunikasyon

Ano ang kaibahan ng Pilipino sa Filipino?

Abril 9, 2009 · Mga Puna

Pilipino…? Filipino…? Marami ang nalilito. Alin daw ba ang dapat gamitin sa dalawa? Sabi ng iba, kapag ang tinutukoy ay ang mga mamayan ng Pilipinas, Pilipino ang ginagamit. Samantala kapag ang wika naman ang tinutukoy, Filipino ang nararapat (kapag sa wikang Ingles, parehong Filipino ang gonagamit, tao man o wika ang tinutukoy.) Ito ang tama ngunit kung minsan , dala ng pagmamadali o dili kaya ay kawalang ingat, nagkakapalitan ang gamit nito.

Ayon sa KWF Resolusyon Blg 96-1, Agosto 26, 1996: “Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraa sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal at sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.”

Ang Filipino sa pangkalahatang kahulugan ay maaring tao, lahi, asignatura at wika. Ang Pilipino ay ang nakagawian o nakasanayan na at dating panawag noong wala pa ang F sa ortograpiyang Filipino. Ito ngayon ay tinatanggap na.

→ 13 Mga PunaMga Kategoriya: Batayang Kaalaman sa Komunikasyon

Wika

Marso 24, 2009 · Mga Puna

Ang wika ay mahalaga sa buhay ng tao

Mula pagkabata hanggang sa pagkatanda.

Ang wika ay tulay ng bawa’t isa sa

Kabihasnan at sa kanyang kaunlaran

Ang wika ay ang siyang nagbibigay ng ugnayan

O instrumento ng tao sa kanyan mga kalahi at kapatiran.

Ang wika ng tao ay masistema, mas dinamiko

at maproseso kaysa hayop.

Bawa’t hanay sa wika ay pinili at isinaayos para

Magkaunawaan ang bawa’t kultura kahit na

Magkaiba ang pagbigkas nito

Kahit iba ang wika, ng bawa’t tao sa mundo, may

Pagkakaunawaan pa rin sapagka’t ito

Ang kaakbay ng tao sa kanyang lipunan

Upang siya ay umunlad nang may karunungan

→ 5 Mga PunaMga Kategoriya: Batayang Kaalaman sa Komunikasyon

Antas ng Wika

Marso 24, 2009 · Mga Puna

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa  lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

Pormal. Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami.

  1. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
    Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan
  2. Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
    Halimbawa: Kahati sa buhay
    Bunga ng pag-ibig
    Pusod ng pagmamahalan

Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

  1. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa partucular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
    Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
    Nakain ka na? (Kumain ka na?)
    Buang! (Baliw!)
  2. Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.
    Halimbawa: Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
    Meron ka bang dala?
  3. Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
    Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)
    Orange (beinte pesos)
    Pinoy (Pilipino)

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:

  1. Paghango sa mga salitang katutubo
    Halimbawa: Gurang (matanda)
    Bayot (bakla)
    Barat (kuripot)
  2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
    Halimbawa: Epek (effect)
    Futbol (naalis, natalsik)
    Tong (wheels)
  3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog
    Halimbawa:  Buwaya (crocodiles – greedy)
    Bata (child – girlfriend)
    Durog (powdered – high in addiction)
    Papa (father – lover)
  4. Pagpapaikli
    Halimbawa: Pakialam – paki
    Tiyak – tyak
  5. Pagbabaliktad
    Buong Salita
    Halimbawa: Etned – bente
    Kita – atik
    Papantig
    Halimbawa: Dehin – hindi
    Ngetpa – Panget
    Tipar – Parti
  6. Paggamit ng Akronim
    Halimbawa:  G – get, nauunawaan
    US – under de saya
  7. Pagpapalit ng Pantig
    Halimbawa:  Lagpak – Palpak – Bigo
    Torpe – Tyope – torpe, naduwag
  8. Paghahalo ng salita
    Halimbawa: Bow na  lang ng bow
    Mag-jr (joy riding)
    Mag-gimik
    Mag-MU
  9. Paggamit ng Bilang
    Halimbawa: 45 – pumutok
    1433 – I love you too
    50-50 – naghihingalo
  10. Pagdaragdag
    Halimbawa:  Puti – isputing
    Kulang – kulongbisi
  11. Kumbinasyon

A.  Pagbabaligtad at Pagdaragdag
Halimbawa:  Hiya – Yahi – Dyahi
B.   Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa: Pino – Pinoy
Mestiso – Tiso, Tisoy
C.   Pagpapaikli at Pagbabaligtad
Halimbawa:  Pantalon – Talon – Lonta
Sigarilyo – Siyo – Yosi
D.   Panghihiram at Pagpapaikli
Halimbawa: Security – Sikyo
Brain Damage – Brenda
E.   Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa: Get – Gets/Getsing
Cry – Crayola

→ 65 Mga PunaMga Kategoriya: Batayang Kaalaman sa Komunikasyon

Kahalagahan ng Mabisang Komunikasyon

Marso 24, 2009 · 1 Puna

Kasabay sa ating pagsilang ang wika. Pasulat man o pasalita mahalaga ito sa buhay ng tao. Naipadarama ng sanggol ang kanyang pangangailangan sa kanyang sariling paraan ng pakikipagtalastasan. Kailangan natin ang wika upang mapabilang sa lipunang ating ginagalawan, makikibahagi, makikipagpalitan, makatuklas ng mga bagay-bagay, magtanggap, maghatid ng mga kaalaman at higit sa lahat ay makikipagkapwa-tao. Kung wala ang wika, marahil pumanaw na rin ang sibilisasyon.

May apat na pangunahing halaga ang wika. Ito’y:

  1. Instrumento ng komunikasyon: Ang mabisang paggamit ng wika ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa. Wika ang ginagamit para maipahayag at mangyari ang ano mang minimithi o pangangailangan natin; sa ating wika tayo nakapagpapahayag ng ating mga naiisip, ng ating mga damdamin, at karanasan.
  2. Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman. Maraming kaalaman ang naitago at naibunyag dahil sa pag-iingat ng mga taong nagbuo ng isang ideya, opinyon, mga tuklas, mga imbensyon, mga panulat na gumamit ng wika. Ito ay napalaganap sa pamamagitan ng paglilimbag ng mga ito sa mga aklat.
  3. Nagbubuklod ng bansa. Walang pagpapalitan ng kaisipan at walang pagkakaisa ang mga tao kugn wala ang wika: pasulat o pasalita man. Nabubuklod ang bayan at ang tao dahil sa wika at maaring gamitin sa pakikihamok, pakikipaglaban, pagpapahalaga at pagtitipon.
  4. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip. Ang ating naririnig, napapanood ay nagdudulot sa atin ng mga damdamin nagpapaiyak, nagpapatawa, nagpapainis at nagpapaawa. Ito ay tinatawag nating nagpapagana at lumilikha ng imahinasyon at maaring magsimula, magbuo ng kaisipan, makaimbento, makalinang na  pakikinabangan ng sangkatauhan.

→ 1 PunaMga Kategoriya: Batayang Kaalaman sa Komunikasyon

Aparato sa Pagsasalita

Marso 24, 2009 · Mga Puna

Ang wika ay nagsimula sa tunog, ngunit hindi lahat ng tunog ay wika, maaring ito ay nagsimula sa hayop, sa kalikasan at kapaligiran.

Ang tayo ay nakakagaya ng tunog ng hayop ngunit hindi lahat ng hayop ay nakakagaya ng tunog ng tao. Nababahagi sa tatlong pangkat ang mga aparato sa  pagsasalita ng tao.

  1. Baga – ito ang pinanggagalingan ng hangin
  2. Resonador – ang bahagi kung saan dumaraan ang hangin
  3. Artikulador – ang bahaging nilalabasan ng hangin upang lumikha ng tunog na maaring sa pamamagitan ng dila, ilong, ngala-ngala, labi, ngipin o gilagid.

Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika, nagtataglay ng kahulugan o maaring may kakayahan makapagpabago ng kahulugan ng isang morpema o salita. Ang ponemang katinig ay mailalarawan sa pamamagitan ng punto at paraan ng artikulasyon sa pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng ponemang may tunog o walang tunog. Ang ponemang patinig ay mailalarawan sa posisyon ng dila at bahagi ng dilang ginagamit sa pagbigkas.

→ 7 Mga PunaMga Kategoriya: Batayang Kaalaman sa Komunikasyon

Kahulugan at Katangian ng Wika

Marso 24, 2009 · Mga Puna

Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang dan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

Ang wika, katulad ng panahon, ay mabilis na nagbabago. Ito ay may iba’t ibang katangian:

  1. Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo
  2. May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang wika
  3. May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad
  4. May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang ilahad ang nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang wika upang makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)
  5. May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya, palatunugan at diin
  6. Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan.

→ 41 Mga PunaMga Kategoriya: Batayang Kaalaman sa Komunikasyon